Free Shipping & COD On All Orders
Free Shipping & COD On All Orders
Kaalaman sa Kulugo

Kaalaman sa Kulugo

Ano nga ba talaga ang kulugo?

Ito ay tinatawag na verruca sa larangan ng medisina, ngunit mas kilala ito bilang kulugo o wart. Kadalasan na ito’y katulad sa kulay ng iyong balat ngunit kung minsa’y maaaring tila isang itim na mga tuldok ang anyo nito.

Warts

Maliliit hanggang katamtamang laki na tila mga bilog bilog at kung minsa’y matambok, kulay kayumanggi, namumuti o itim – ilan lamang yan sa mga kapansin pansing katangian ng kulugo o warts. Bagamat ito ay “benign” at kadalasang walang matinding panganib na dulot, karamihan sa mga nagkakaroon nito ay kanilang ipinatatanggal. At kahit ito’y karaniwan nang tumutubo sa balat, hindi pa rin lubos na malinaw sa karamihan kung ano nga ba talaga ang sanhi nito. 

Kapansin-pansin rin ito dahil sa magaspang na bukol o marka sa balat na tumutubo sa iba’t ibang parte ng katawan, kadalasan sa kamay at paa. Maaari itong kusang mawala sa loob ng ilang buwan ngunit may pagkakataon na ito’y umaabot ng taon.

Walang kasamang pananakit ang pagkakaroon ng kulugo. May mga iilang kaso na nakararamdam ng hapdi ang mayroon nito.

 

Ano ang sanhi ng kulugo?

Tumutubo ang kulugo dahil sa mabilis na paglago ng “skin cells” na dulot ng impeksyon mula sa isang virus na tinatawag na human papillomavirus o HPV. Ayon sa pag-aaral, 10 sa 150 strain ng virus na ito ang kadalasang sanhi ng kulugo. Maaaring makuha ang wart virus at ma-infect sa pamamagitan ng paggamit o paghiram ng anumang bagay na kontaminado o kaya nama’y paghawak o pagkakadikit sa balat ng taong mayroon nito.

Maliban sa mga nabanggit, maaaring makuha ang HPV infection kapag nakapasok sa mga sumusunod:

  • Open wounds o mga sariwang sugat;
  • Bitak na parte ng balat;
  • Balat na matagal nakababad sa tubig.

Human Papillomavirus

Madalas na namamalagi ang wart virus na nagsasanhi ng kulugo sa mga mainit-init at mamasa-masang lugar gaya ng sahig ng palikuran, swimming pool at maging sa mga gym.

Sa kabila nito, sinasabing may pagkakataon na hindi magkakaroon kaagad ng kulugo. Maaaring kumapit lamang ang virus sa balat at manatili doon nang hindi nai-infect. Dahil dito, pili lamang ang mga nagkakaroon nito, katulad na lamang ng mga bata at mga mahihina ang immune system kaya’t madaling kapitan ng virus. Maaari ding magkaroon ang mga nagtatrabaho sa palengke na may direktang paghawak sa karne, isda at manok.

Sa pagkakataon na may tumubong kulugo sa anuman parte ng iyong balat, maaaring kumalat ito sa iba pang parte ng iyong katawan.

 

 Anu-ano ang mga karaniwang uri ng kulugo?

Type of warts

  • Common warts – kakulay ng balat na kadalasang tumutubo sa kamay at paa. Maliit lamang ang mga ito na kadalasang magaspang at matigas na umbok. Maaari rin itong magkaroon ng itim na tuldok.
  •  Plantar warts – ito’y madalas na tumutubo sa paa, sa talampakan. Sa halip na umbok, ang mga ito nama’y matitigas, makapal at tila mga patag o uka sa paanan. Maaaring maihalintulad ang mga ito sa kalyo ngunit ang mga kulugo na ito ay mayroon ding itim na tuldok.
  • Flat warts – maliliit at makinis ang mga ito ngunit kadalasang maramihan kung tumubo. Kadalasang makikita sa mga mukha ng mga bata, sa may balbas ng kalalakihan at sa binti ng mga babae.
  • Filiform warts - Ang mabilis na paglago ng kulugo na ito ay maihahalintulad sa matutulis at matuhog na umbok sa balat. Kung minsan ay tulad ng maliliit na hibla. Madalas na tumutubo ang mga ito sa mukha – palibot sa mata, bibig at ilong.
  • Genital warts – ito naman ay mga kulugo na tumutubo sa maseselang bahagi ng katawan na kadalasang nakukuha sa pamamagitan ng pakikipagtalik sa isang taong mayroon nito. Ang mga ito ay maliliit, kalat-kalat, kakulay ng balat na mga umbok o kumpul-kumpol na umbok. 

Kahit sa anong bahagi ng katawan tumubo ang kulugo, iisa lamang ang virus na nagsasanhi nito.  Maaaring tumubo ng isa-isa o kumpul kumpol ang mga kulugo, depende kung saang bahagi ng katawan ito kumalat ang impeksyon.

 Paano gamutin o tanggalin ang kulugo?

 Kulugo before and after

Kapag ang kulugo ay napabayaan, maaari itong makahawa sa iba't ibang parte ng katawan at posible pa itong dumami, kaya karamihan ay nais itong tanggalin o maipagamot. Iba-iba ang mga dahilan sa pagnanais na tanggalin ang mga kulugo, marahil hindi kanais nais sa paningin ang pagtubo nito at kadalasan ay nagdudulot ito ng sakit o panganib sa katawan.  Narito ang ilan sa paraan upang gamutin ang kulugo.

Isa sa opsyon ay pagsangguni sa doktor at pagpapatanggal nito sa pamamagitan ng surgery. Isa sa mga proseso ay ang cryosurgery. Ito ay isang procedure na gumagamit ng matinding lamig upang matanggal ang warts. Maaari rin namang sumailalim sa laser treatment para tunawin ang impeksyon. Electrocautery naman ang tawag sa proseso ng pagsunog o pagpaso ng kulugo gamit ang kuryente at init. Alin man sa mga ito, siguraduhin lamang na sa eksperto at propesyonal na dermatologists sumangguni upang matiyak ang kaligtasan. Ngunit kalakip ng mga procedure na ito ay ang kamahalan ng bayad dahil sa moderno at siyentipikong pamamaraan.

 

Kung gusto mo naman ng mabisa, natural at abot kayang solusyon. Wag kang mag-alala, meron niyan! Narito ang ORGANICA' MOLE AND WARTS REMOVAL CREAM!  Ito’y isang natural cream na gawa sa mga mabisa at aktibong sangkap ng “extracted cashew shells” o balat ng buto ng kasoy na isang “natural cautery agent” o pagpaso ng nunal at kulugo hanggang ito’y tuluyang matuyo at mawala. Ang extracted cashew shells ay napatunayang epektibo at ligtas na gamitin. Karamihan sa mga sangkap nito ay mga mabisang halamang gamot kaya makakatiyak na walang peligro kang dapat ikabahala.

Organica Mole Remover

Ipahid lang ito at makikita na agad ang napakagandang resulta. Kaya’t halika na at subukan ang ORGANICA' MOLE AND WARTS REMOVAL CREAM! MURA na EPEKTIBO pa!


Write a comment

Please note, comments must be approved before they are published

Comment are moderated