Free Shipping & COD On All Orders
Free Shipping & COD On All Orders
Dapat bang alisin ang nunal?

Dapat bang alisin ang nunal?

Ano nga ba ang nunal?

             Pangkaraniwan, lalo na sa ating mga Pilipino, ang pagkakaroon ng nunal. Ang iba ay itinuturing ito na kaakit akit na bahagi ng mukha ng isang tao. Ngunit sa iba naman ay tila isang kapintasan ang pagkakaroon ng nunal kaya’t mas pinipili nila na ito’y ipatanggal.

Nunal

May kanya-kanyang dahilan kung bakit ninanais ang pagpapatanggal nito. Mayroon tayong 2 klase ng nunal, isa ay ang normal na itim o kayumangging bilugin sa ating mukha o katawan at ang isa nama’y tinatawag na “buhay na nunal.”

Kadalasan na ipinatatanggal ang mga buhay na nunal sapagkat kapansin pansin na ang patuloy na paglaki ng mga ito. Sinasabing ang paglaki nito ay dahil sa “pigment cells” sa ating balat ay nagkukumpul-kumpol sa halip na kumalat. Ang mga “pigment cells” ang sanhi ng pagkakaroon ng kulay kayumanggi sa ating balat. Kahit pa normal sa atin ang pagkakaroon ng nunal, ang paglaki at paglobo ng nunal ay hindi pangkaraniwan.

Inside of a mole

               Ang pagkakaroon ng nunal ay kadalasang maituturing na “harmless” o walang naidudulot na masama sapagkat ito’y bahagi ng normal na proseso ng ating balat. Sa kabilang banda, sinasabi na ang mga buhay na nunal ay nagpapahiwatig na maaari itong makapagdulot ng kanser. Kaya’t maliban sa usaping kagandahahan, ang pagpapatingin sa doctor at pagpapatanggal ng nunal ay naaayon rin.

 

Narito ang ilan sa mga katangian ng normal at ligtas na nunal:

  1. Pagkakaroon ng dalawang kulay – normal naman sa nunal ang pagkakaroon ng dalawang kulay, kadalasan ay kayumanggi (light brown) o itim (black/dark brown)..
  2. Pantay o pagkakaroon ng “symmetry” – ipagpalagay na hinati sa dalawa ang nunal, dapat ang magkabilang piraso nito ay pantay at pareho ang hugis.
  3. Hugis bilog – ang tamang hugis ng magandang nunal ay bilog o bilugin. 
  4. Sukat at paglaki – ang normal at ligtas na sukat ng isang nunal ay hindi lalaki sa pambura sa ulo ng lapis. Ito ang karaniwang diameter nito.

Kung ang iyong nunal ay may abnormalidad at naiiba sa mga naisasaad sa itaas, maaaring ikaw ay kailangan magpakonsulta sa isang espesyalista.

Maliban sa panganib sa kalusugan, maaari ring ipatanggal ang nunal batay sa iyong kagustuhan. Siguaduhin lamang na tama ang paraan na iyong gagawin at pipiliin upang matanggal ito.

 

Ilan sa mga paraan para ito ay matanggal

Mole Removal Surgical

              Isang paraan ay ang pagkonsulta at pagpapatanggal sa “dermatologist.” Madalas na pumupunta sa espesyalista ang karamihan sa tuwing ipapatanggal ang kanilang nunal. Ito ang isa sa mga sikat na paraan sapagkat dadaan muna sa masusing pag-aaral sa kung anong kabuuang kalagayan at itsura ng nunal. Ngunit dahil ito’y isang medikal na proseso, asahan na kailangan mong maghanda ng pera para rito. Bukod pa sa pera, dapat ay makahanap ka ng doktor na tiyak ang eksperto sa ganitong kalagayan. Siguraduhin na maganda rin ang kanyang kredensyal upang maiwasan ang karagdagang peligro.

 

              Bukod sa “medical treatment,” marami na rin ang mga nagsusulputan na alternatibong paraan upang tanggalin ang nakakainis na buhay na nunal. Kagaya na lamang ng mga creams na ngayo’y sikat na sikat. Ngunit sa dami ng mga creams na inilalabas ngayon tila ang hirap pumili ng produktong naayon sa iyong balat at makakabuti para sa iyo.

Kung gusto mo ng mura, ligtas at siguradong epektibong solusyon, halika na at subukan ang ORGANICA MOLE AND WARTS REMOVAL CREAM! Ito’y isang natural cream na gawa sa mga mabisa at aktibong sangkap ng “extracted cashew shells” o balat ng buto ng kasoy na isang “cautery agent” o pagpaso ng nunal hanggang ito’y tuluyang matuyo at mawala. Ang extracted cashew shells ay napatunayang epektibo at ligtas na gamitin.

Organica Mole Remover

Madali lamang itong gamitin, ipahid lamang ang Organica Removal Cream sa nunal, ito’y kusang matutuyo at voila! Goodbye sa iyong buhay na nunal! Walang sakit at kirot, pahid-pahid lang at bye bye nunal.


Write a comment

Please note, comments must be approved before they are published

Comment are moderated